-- Advertisements --

Nakakulong na ngayon sa Metro Manila District Jail (MMDJ) ang CPP consultant na si Vicente Ladlad at ang dalawang kasamahan nito.

Una rito, ipinag-utos na ng korte na ilipat na sa Metro Manila District Jail ang kustodiya nina Ladlad at ang mag-asawang Alberto at Virginia Villamor.

Ayon kay Quezon City Police Director, CSupt.Joselito Esquivel, inaprubahan na ng Regional Trial Court Br.93 ang paglipat ng kustodiya kay Vic Ladlad at sa dalawa pa nitong kasamahan.

Sinabi ni Esquivel pirmado ni Judge Arthur Malabaguio ang commitment order na may petsang November 15,2018.

Itinakda din ni Judge Malabaguio ang arraignment laban sa mga sa November 23,2018.

Una rito, pinagtibay ni Senior Assistant City Prosecutor Manuel Luis Felipe ang pagsampa ng kaso ng paglabag sa RA 9516 at RA 10591 laban sa tatlo at nasa P150,000 bail bond ang inirekumenda.

Naaresto si Ladlad at ang dalawang kasamahan nito nuong November 8 sa isang bahay sa Novalichez, Quezon City.