Nilinaw ng Philippine National Police na walang kuneksiyon sa International terrorist ang naarestong bigtime recruiter ng Dawlah Islamiyah terrorists na si Kevin Madrinan sa Quezon City nuong Sabado.
Ayon kay Directorate for Intelligence BGen. Edgar Monsalve ang kuneksiyon lamang ni Madrinan ay sa grupo ni Abu Turaife sa Central Mindanao at kay Sulu based ASG leader Mundi Sawadjaan pamangkin ni Hatib Hajan
Sawadjaan.
Ayon kay PNP Directorate for Intelligence chief BGen. Edgar Monsalve ang kuneksiyon ng mga foreign terrorists ay direkta kina Sawadjaan na siyang umbrella organization ng international terrorists.
Sinabi ni Monsalve pinalakas pa ng PNP ang kanilang intelligence monitoring lalo na sa presensiya ng mga banyagang terorista partikular ang mga suicide bombers.
Siniguro ni Monsalve naka pokus ang PNP sa kampanya laban sa terorismo lalo na dito sa Metro Manila at buong Luzon.
Nasa verification process pa rin ang PNP Intelligence Group hinggil sa presensiya ng mga banyagang terorista.