Eksaktong 31 araw na lamang bago ang nalalapit eleksiyon sa Mayo, umaabot na sa 2,385 ang mga nahuling lumabag sa ipinatutupad na election gun ban ng Commission on Elections sa buong bansa ayon sa Philippine National police.
Mula sa data ng PNP , nasa kabuuang 2,298 sibilyan ang lumabag, 14 police officers, 11 military personnel , 40 security officers at 22 iba pang mga indibidwal.
Nakumpiska naman mula sa mga violators ang kabuuang 1,833 firearms , 10221 mga bala at 867 deadly weapons.
Nangunguna sa may pinakamataas na gun ban violation incidets sa Metro manila na nasa 826 sinundadn ng Central Visayas (267), calabarzon (285), Central Luzon (184) at Western Visayas (143).
Patuloy na paalala ng Comelec sa mga lalabag sa umiiral na gun ban na maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon, madiskwalipika na humawak ng posisyon sa gobyerno at pagkakaitan ng karapatang makaboto.