-- Advertisements --

Ipinakita sa mga miyembro ng media ang mga narekober na armas at mga explosives mula sa posisyon ng naarestong NDFP consultant na si Vicente Ladlad na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Si Ladlad ay naaresto nang pinagsanib na operasyon ng AFP at PNP kaninang ala-1:30 ng madaling araw sa isang safehouse sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City sa bisa ng search warrant No. 5699 para sa Violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Kasamang inaresto ang dalawang staff members ni Ladlad na kinilalang sina Alberto Villamor at Virginia Villamor.

Ayon sa mga otoridad ang mga nakumpiskang armas sa grupo ay kinabibilangan ng:

1. One Russian-Made SKS (AK 47 with Bayonet) with SN: 9936459
2. One Mag Assembly for AK 47 with 9 rnds 7.62x39mm ammo
3. One Elisco M16A1 Assault Rifle with Defaced Serial Number
4. Three Mag Assy (2 long and 1 short) with 80 rnds 5.56 mm ammo
5. One Cal .45 COLT MK IV series 80 with Serial Number 172629
6. Two Mag Assy for Cal .45 with 21 rounds ammo.
7. One 9mm pistol loaded with 9 ammo.
7. Four Hand Grenades.
8. Electronic Devices.
9. Subversive documents.
10. Two flags of The Netherlands.

Si Ladlad ay kabilang sa mga pinalayang NDF consultants para makalahok sana sa naunsyaming usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP/NPA/NDF.

Samantala, mariin namang kinondena ng grupong Karapatan ang pagkaaresto kay Ladlad

Sa pahayag ng grupo, paglabag daw sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ang pag-aresto kay Ladlad.

Sinabi naman ni Mrs Fides Lim Ladlad, itinanim lamang daw ang mga nakuhang armas sa posisyon ng kaniyang mister.

Mariin namang itinanggi ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar na “planted” ang mga nakumpiskang armas kay Ladlad.

Paliwanag ni Eleazar, bago isinagawa ang search sa safehouse kung saan nakuha ang mga armas ay tinawag ng PNP ang mga lider ng barangay at maging ang pangulo ng homeowner’s association para tumestigo.