Binubusisi na ang lifestyle check ng naarestong police superintendent na nahuli sa akto na naglalaro sa loob ng casino noong Martes ng gabi.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson C/Supt. John Bulalacao, ipinag-utos na ni PNP-Internal Affairs (IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo ang pagsailalim kay P/Supt. Adrian Antonio sa lifestyle check bilang ng imbestigasyon laban dito.
Layon nito para matukoy kung ang lifestyle ni Antonio ay naaayon sa kaniyang kinikita bilang isang police officer.
Hihimayin din ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth, ni P/Supt. Antonio para makita ang income nito, at anu-ano ang mga asset and properties nito.
Anuman ang magiging resulta sa lifestyle check, ay siyang gagamitin para sa pagsasampa ng kaso laban sa police official.
Pinaaalalahanan din ng PNP ang lahat ng kanilang personnel na mahigpit ang kanilang polisiya na bawal ang mga pulis sa loob ng mga pasugalan at casino.
Ayon naman kay PNP Directorate for Operations P/Dir. Camilo Cascolan, nakakalungkot ang balita na may mga kasamahan sila na lumalabag sa kanilang polisiya.
Hangad ni Cascolan na magsilbi sanang aral sa iba pang PNP personnel ang pag-aresto kay Supt. Antonio.
Aniya, sinumang lalabag sa kanilang polisiya ay mananagot at kailanman ay hindi kukunsintihin ng PNP leadership.
“ Sad to know. We have different individual personalities of which no one has no control, only oneself, but if you run against policies of the state and organization, it will never be tolerated by their superiors and the leadership. We shall always maintain that standard of which we will always be the model for everyone, so let it be a lesson to everyone,†mensahe ni Cascolan.