BUTUAN CITY – Nilinaw sa Police Regional Office o PRO-13 na isasailalim sa rapid testing para sa pagsunod sa health protocols ang mga naarestong sina Kabus Padatoon o KAPA Community Ministry International Incorporated founder Joel Apolinario, asawa nitong si Reyna at 24 iba pa.
Ito ay maliban pa sa pagsa-sailalim kanila sa paraffin test upang matukoy kung sino ang nakapaputok ng baril noong joint law enforcement operation na humantong sa mahigit isang oras na bakbakan hanggang matagumpay na pagkadakip sa mga ito.
Ayon kay PRO-13 regional director BGen. Joselito Esquivel Jr., ang magpositive sa paraffin test result ay sasampahan na naman ng karagdagang kaso.
Dagdag pa sa opisyal, kahapon pa lamang ng kanilang pinaharap sa media ang mga naaresto, kanila nang ino-obserba ang social distancing sa mga nahuli kung saan pinasuot rin nila ng face mask.
Habang ang magpositibo sa rapid test ay kaagad na e-isolate upang mapa-ilalim na rin sa swab test ng sa ganun ay mas mapangalagaan ang kanilang kalusugan at madala na sa quarantine facility nitong lungsod.