BUTUAN CITY – Dineklarang dead-on arrival nang dinala sa ospital ang dinakip ng pulisya matapos itong nabaril nang mang-agaw ng baril sa isang pulis.
Nakilala itong si Crisanto Gaviola Villa alyas “Antoy”, binata at may live-in partner na residente sa Purok 3, Brgy. Baan Riverside, Butuan City.
Nang-agaw umano ito ng baril sa isang myiembro sa Regional Drug Enforcement Unit-13 na si PMAJ MILAN VARGAS NAZ kahapon sa alas 3:05 sa hapun sa RDEU Satellite Office, Brgy. Diego Silang, Butuan City.
Habang nagsasagawa ng booking procedure ang imbestigador sa RDEU13 na si PSSg Nelson E Jagmoc kay Mr. Villa, bigla lang na hinawakan ni Mr. Villa ang baril ni PMAJ NAZ na nasa kaniyang beywang.
Humantong ito sa pag-agawan ng baril hanggang aksidente itong pumutok at natamaan sa kaliwang dibdib si Villa.
Napag-alaman na si Mr Villa ay una nang naaresto matapos makunan ng 6 grams sa shabu, at caliber 45 pistol na may pitong mga bala.