-- Advertisements --
Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga nabakunahan ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine na magpatingin sa doktor.
Ito ay upang malaman ang dalang peligro ng bakuna laban sa katawan ng tao.
Ayon kay FDA director-general Eric Domingo, kinakailangang malaman ng recipients kung anong gamot ang ipinasok sa kanilang katawan.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na karamihan sa mga Pinoy na kinabibilangan ng ilang miyembro ng militar ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical company Sinopharm kahit wala pang approval mula sa FDA.
Kung maalala, nauna nang naibunyag na sina Senator Panfilo Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez ay nabakunahan na umano laban sa COVID-19.