-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dumulog na sa Butuan City Police Station 1 ang isang binata matapos na hindi nakapag-payout mula sa kanyang naipasok na pera sa investment company na Forex.

Ayon kay Noel Lapot, 40-anyos na residente ng Purok 5, Barangay San Ignacio nitong lungsod, ni-recruit siya ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Rita Uval, 56-anyos at residente naman ng Barangay Buhangin nitong lungsod, kung kaya nakapag-payin siya ng P3,000 nito lang Hunyo 8.

Nangako umano ang suspek na makakatanggap siya ng P2,200 kada-linggo kapalit ng na-put up niyang pera.

Ngunit lumipas na lamang ang mahigit isang linggo ay hindi pa siya nakapag-payout kung kaya’t mas minabuti niyang ipa-blotter na lamang sa pulisya ang suspek.