-- Advertisements --

Inihayag ng National Amnesty Commission (NAC) na sila’y nakatanggap ng ilang libong aplikasyon mula sa mga dating-rebelde na nais magbagong buhay.

Kung saan kinumpirma mismo ni NAC Commissioner Jamar Kulayan na aabot sa 2,428 aplikasyon ang isinumite ng mga ito sa kanilang komisyon.

Ayon sa kanya, higit 1,400 aplikasyon ay mula sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na karamiha’y galing Mindanao.

Kabilang rin ang mga dating kasapi ng Moro Islamic Front (MILF) at Moro National Liberation Front o MNLF.

Kasabay ng pahayag niyang ito, ipinagdiwang ngayon ng naturang komisyon ang anibersaryo at pagpapatibay ng Presidential Proclamation No. 403, 403, 404, 405, at 406, series of 2023.

Layunin at nakapaloob kasi sa mga proklamasyong ito na gawaran at bigyan ng amnestiya ang mga dating rebelde na hangad ang pagbabago para sa isang payapang bansa.