ILOILO CITY-Kampante ang Nacionalista party na ibibigay sa mga kongresista na myembro ng kanilang partido ang malalaking committee chairmanship sa kamara.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay elected Iloilo 4th District Rep. Ferjenel Biron, sinabi nito na base sa tradisyon, madalas na binibigay sa Nacionalista Party (NP) ang ilan sa tinuturing na “juicy chairmanship” katulad ng deputy speakership, at Representative to the Commission on Appointment.
Ayon kay Biron, sa ngayon hindi pa malinaw kung sin-o nga mga kongresista na mabibigyan ng committee chairmansship ngunit sinabi nito na abal ang NP sa paggabay sa mga baguhang mga myembro ng kamara upang matiyak na makakuha ang mga ito ng chairmanship o di kaya ay vice-chairmanship.
Sa panig ni Biron na tumatayong Provincial chair ng NP sa Iloilo, sinabi niya na hindi rin niya alam anong komitiba ang ibibigay sa kanya upang pamunuan.
Samantala sinabi naman ni Biron na halos unanimous na ang kamara sa pag-endorso kay House Majority leader at reelected Leyte Rep. Martin Romualdez bilang susunod na House Speaker kasunod din ng endorsement ng NP sa pinsan ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr.
Napag-alaman na nakigpakita kay Romualdez si Biron kasama ang iba pang NP members na sina Senator-elect Mark Villar, Las PiƱas Rep. Camille Villar, Ilocos Norte Representative-elect Sandro Marcos, at Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona.