Mayruon ng listahan ang Nacionalista Party para sa kanilang senatorial line-up.
Ito ang inihayag ni Nacionalista Party Senior member at Spokesperson Rep. Robert Ace Barbers sa isang panayam.
Ayon kay Barbers sa ngayon mayruon na silang tatlo na pambato sa senado para sa darating na midterm election at ito ay mga miyembro talaga ng Nacionalista Party.
Ito ay sina Deputy Speaker Camille Villar, Senator Pia Cayetano at Senator Imee Marcos.
Inihayag ni Barbers na mag-uusap usap pa ang coalition para makabuo sila ng line up para sa senado para sa 2025 elections.
Dagdag pa ni Barbers sa ngayon maraming mga pangalan ang nakalista at pinagpipilian.
SAMANTALA, una nang sinabi ni PArtido Federal of the Philippines President Gov Reynaldo Tamayo na pag uusapan pa nila kung sino sa partido ang isasabak sa pagka senador.
Wala pa namang pinangalanang mga kandidato ang iba pang partidong nakipag alyansa na rin sa pfp, tulad ng lakas cmd, Nationalist People’s Coalition o npc at National Unity Party.
Umaasa si Tamayo na dadami pa ang makikipag-alyansa sa kanilang partido.
Aniya ang pinaka layunin ng alyansa ay magkaroon ng pagkakaisa ng sa gayon ang mga ninanais na mga hangarin para sa taumbayan ay makamit.