-- Advertisements --

Nakatakdang magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal.

Nasa Europe team ang dalawa na makakalaban ang ibang mga bansa sa ikalimang edisyon ng Laver Cup.

Hindi naman katiyakan kung makakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa tagal ng hindi pagiging aktibo mula ng operahan ito sa tuhod.

Magiging team leader naman ng Europe team ang Swedish tennis player na si Bjorn Borg.

Gaganapin ang Lavern Cup sa Seytembre 23 sa O2 Arena sa London.