-- Advertisements --
Rafael Nadal
Rafael Nadal / IG Post

Nagpahayag ng kahandaan si tennis star Rafael Nadal para sa Wimbledon Open.

Huling naglaro kasi sa finals ang Spanish tennis star ng All England Club Lawns ay noong 2011 at iyon na rin ang pang-limang beses na nakaapak sa finals.

Dahil sa kaniyang injury sa tuhod ay hindi na ito nakapaglaro pa sa nabanggit na torneo.

Taong 2017 ng mabigo ito sa ikaapat na round ng talunin siya ni Gilles Muller at noong 2018 ay nabigo sa semifinals ng Wimbledon kay Novak Djokovic.