-- Advertisements --

Hindi maitago ni tennis star Rafael Nadal ang kaniyang pagkadismaya sa nagaganap na lockdown dulot ng coronavirus pandemic.

federer nadal
Roger Federer and Rafael Nadal/ Photo from Tennis World USA

Pinalawig pa kasi ng Spanish government ng hanggang Mayo 9 ang lockdown.

Sinabi ni Nadal na dahil sa lockdown ay hindi na sila nakakapag-ensayo.

Dagdag pa nito na dahil sa iniisip ng gobyerno ng kapakanan ng kanilang mamamayan kaya nirerespeto niya ito.

Sinamantala naman ni Swiss tennis star Roger Federer ang lockdown para sa pagpapagaling niya sa kaniyang injury sa tuhod.