-- Advertisements --

Nagpasya si Spanish tennis star Rafael Nadal na tumigil muna sa paglalaro dahil sa kaniyang injury.

Sinabi ng 37-anyos na si Nadal na dahil sa iniinda nitong hip injury ay hindi pa ito makakapaglaro sa Qatar Open sa susunod na linggo.

Noong 2023 kasi ay halos hindi ito nakapaglaro ng buong taon matapos ang hip injury na kaniyang natamo noong Australian Open bago bumalik sa paglalaro noong nakaraang buwan sa Brisbane International.

Umaasa ang 22-time Grand Slam title winner na makakapaglaro na ito sa Indian Wells Masters sa California na gaganapin sa Marso 6-17.