-- Advertisements --

Hindi pa matiyak ni Spanish tennis star Rafael Nadal kung maidedepensahan pa niya ang kaniyang titulo sa US Open.

Kasunod ito ng anunsiyo niya na lalahok siya sa Madrid Open.

Isasagawa kasi mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 ang US Open sa New York habang ang Madrid Open ay gagawin sa Setyembre 14.

Itinuturing na warm-up tournament ang Madrid Open bago ang French Open na inilipat sa Setyembre 20.

Ang nasabing paglahok ni Nadal sa Madrid Open ay kinumpirma ng kaibigan nito at tournament director Feliciano Lopez na sinabing nagkausap na sila para sa pagsali sa torneo .

Isa kasi na dahilan kaya nag-aalangan si Nadal na makapaglaro sa US Open ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.