-- Advertisements --

Nakuha ni Rafael Nadal ang kampeonato sa Rogers Cup matapos talunin si Daniil Medvedev.
Nangibabaw ang Spanish world number two sa score na 6-3 at 6-0 para tuluyang ilampaso ang eight-seeded player ng Russia at makuha ang ikalimang Rogers Cup title.
Hindi sumuko ang Russian player at pinahirapan ang 33-anyos na si Nadal sa laro na ginanap sa Montreal, Canada.
Hindi inalintana ni Nadal ang malakas na hangin sa playing court at nadomina ang nasabing torneyo.