Nag-anunsyo na ng pagreretiro ang 22-time Grand Slam champion na si Rafa Nadal matapos mabigo kay Czech Jiri Lehecka sa Madrid Open nitong Martes.
Ito na umano ang kanyang huling pagpapakita sa isang torneo.
Nabatid na nanalo siya ng limang beses sa Madrid Open sa mga nakalipas na taon.
Sa loob ng dalawang oras, naharang ni Lehecka ang pag-asa ni Nadal na maabot ang kanyang ika-100 Masters 1000 quarter-final matapos ang isang fairytale run sa kaniyang ikalawang torneo mula noong Enero habang ang Spanish superstar ay nahihirapan dahil sa injury.
Sinabi ni Nadal na inaasahan niyang magretiro pagkatapos ng 2024 season.
“I’m happy. It was a very special week for me, very positive in every way. I was able to play again on a court that gave me a lot, also on an emotional level,” wika ni Nadal.