-- Advertisements --

Nakuha ni Rafael Nadal ang kampeonato ng Italian Open 2021 matapos talunin si Novak Djokovic.

Ito na ang pang-10 Italian Open title sa torneo na ginanap sa Rome.

Nangibabaw ang Spanish tennis star sa score na 7-5, 1-6, 6-3 para tuluyang ilampaso ang Serbian tennis great.

Agad na bumangon si Nadal ng mabigo ito sa ikalawang set at nakabawi sa ikatlong set sa laro na tumagal ng dalawang oras at 49 minuto.

Target nito ngayon ang 14th French Open na magsisimula sa Mayo 30.