Tinanghal na kampeonato ng Australian Open si Rafael Nadal matapos talunin si Daniil Medvedev.
Nakuha ng tennis star ng Spain ang scorena 2-6, 6-7, 6-4, 6-4, 7-5 ang Russian tennis star.
Naging kapana-panabik ang laban ng habulin ng 35-anyos na Spain ang dalawang set ng dominado ni Medvedev dahil sa pagpasok ng third set ay doon na siya umarangkada.
Itinuturing kasi na si Nadal ang paboritong manalo ng titulo dahil sa hindi paglalaro ng defending champion Novak Djokovic dahil sa isyu ng visa habang may injury si Roger Federer.
Ito na ang pangalawang pinakamatagal na laban ng Grand Slam Final sa kasaysayan na ang una ay noong 2012 final sa Melbourne Park ng mabigo si Nadal kay Novak Djokovic na mas matagal ng 30 minuto.
Dahil sa panalo ay nagtala si Nadal ng record-breaking ng makuha ang 21st Grand Salm men’s title na umabot sa limang oras at kalahati ang laban ng Australian Open final.
Nahigitan nito sina Roger Federer at Djokovic na mayroong tig-20 Grand Slam title.
Itinuturing kasi na si Nadal ang paboritong manalo ng titulo dahil sa hindi paglalaro ng defending champion Novak Djokovic dahil sa isyu ng visa habang may injury si Roger Federer.