-- Advertisements --
NAdal Medvedev.
Rafael Nadal and Daniil Medvedev

Nangailangan ang Spanish superstar na si Rafael Nadal ng four hours and 50 minutes bago tuluyang naibulsa ang kanyang ika-19th Grand Slam title sa US Open finals sa New York.

Namayani pa rin sa huli ang beteranong second seed na si Nadal, 33, sa kabila nang fight back ng fifth seed na Russian rival at 23-anyos na si Daniil Medvedev, 7-5 6-3 5-7 4-6 6-4.

Dahil sa pagwagi ni Nadal, isang panalo na lamang at abot kamay na niya ang record ng mahigpit din na karibal at Swiss great na si Roger Federer, 38, na hawak ang all-time leading tally sa men’s Grand Slam victories.

“It has been one of the most emotional nights in my tennis career,” ani Nadal na humiga pa sa tennis court sa labis na emosyon. “It has been an amazing final. It has been a crazy match.”

rafael nadal 1

Hindi rin naitago ni Nadal ang kanyang pag-iyak matapos ang matinding court battle.

Ang sobrang tagal bago matapos ang laban, kulang-kulang lang ito ng apat na minuto para sana lampasan ang tinaguriang record na longest US Open final sa kasaysayan.

rafal nadal drops down
Rafael nadal crying
Spanish tennis star Rafael Nadal