-- Advertisements --

Nakabuwena mano ng panalo ang Spanish tennis superstar na si Rafael Nadal sa unang araw ng Australian Open. 

Si Nadal ang natira sa tinaguriang Big Three na lumalaban sa prestihiyosong grandslam makaraang ipa-deport ng gobyerno ng Australya ang world’s No. 1 na si Djokovic.

Si  Nadal na dati ring kampeon sa Australian Open ay agad nanalo sa first round kontra kay Marcos Giron ng America sa score na 6-1, 6-4, 6-2.

Inabot din ng limang buwan si Nadal bago nakabalik sa torneyo dahil sa injury.

Una nang sinabi ni Nadal na magiging maganda pa rin ang Australian Open kahit wala ang magdedepensa ng korona na si Djokovic.