-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.

Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa top 10 ng American Tennis Player sa 800 na magkakasunod na linggo.

Ang nasabing ranking ay mula pa noong 15 taon.

Unang nakapasok sa top 10 ang Spanish tennis player noong Abril 10, 2005 matapos na ito ay magwagi ng knaiyang unang French Open titles.

Noong Nobyembre 2020 ay nahigitan na niya si Jimmy Connor na mayroong 789 na straight weeks.

Mayroon pang dalawang taon at anim na buwan na lamang si Roger Federer na mayroong 931 na linggong nasa top 10.

Base sa pinakahuling ranking ay nasa unang puwesto si Novak Djokovic habang nasa pangalawang puwesto si Rafael Nadal.