-- Advertisements --
Stafanos Tsitsipas
Stafanos Tsitsipas/ IG post

Natapos ang kampanya ni Rafael Nadal sa Australian Open matapos na talunin siya ni Stafanos Tsitsipas.

Mabilis na nakarecover ang Greece tennis star matapos na mabigo sa dalawang set at nakuha ang panalo 3-6, 6-7, 7-6(4), 6-4, 7-5.

Sinabi nito na hindi siya makapaniwala sa nangyari sa ikatlong set.

Hindi rin aniya maipaliwanag ang emosyon na naramdaman pagkatapos ng laro.

Ito na ang pangalawang beses na natalo si Nadal kahit na hawak nito ang kalamangan sa dalawang set kung saan unang tinalo siya ni Fabio Fognini sa ikatlong round noong 2015 US Open.

Kapantay na rin ng 34-anyos na si Nadal si Roger Federer sa 20 Grand Slam titles.

Susunod na makakaharap naman ni Tsitsipas sa semi-final rounds si Danil Medvedev.