-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Rafael Nadal sa Paris Olympics matapos talunin siya ni Novak Djokovic sa second round.

Sa simula pa lamang ng laro ay ipinamalas ni Djokovic na dominado nito ang laban at nakuh aang 6-1, 6-4 na panalo.

Ito na ang itinuturing na huling laban ni Nadal sa Olympics at maaring tuluyan na siyang magretiro sa paglalaro.

Huling nagkaharap kasi ang dalawang noong 2022 French Open at mula noon ay madalang na maglaro si Nadal dahil sa mga injury.