-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng Australian Open si Rafael Nadal.

Tinalo kasi nito si seventh-seeded Italian Matteo Berrettini 6-3, 6-2, 3-6, 6-3.

Sa unang dalawang set ay nakontrol ng sixth-seeded tennis playe subalit nakabawi sa ikatlong set si Berrettini.

Pagpasok ng ikaapat na set ay nakangon si Nadal at tuluyan ng tinalo ang Italian player.

Dahil sa panalo ay nalalapit na ang pagkuha ni Nadal ng kaniyang 21st major title na mahihigitan sina Roger Federer at Novak Djokovic na mayrong tig-20 kada piraso.