-- Advertisements --
Umatras na sa pagsali sa US Open si Spain tennis star Rafael Nadal dahil sa injury sa kaniyang kaliwang paa.
Dahil dito ay hindi na rin nito makakapaglaro sa ilang mga tennis tournaments na gaganapin ngayong taon gaya ng Cincinnati Masters at Canadian Open.
Lumala ang nasabing injury nito sa semifinals ng French Open noong nakaraang buwan kung saan natalo siya kay Novak Djokovic.
Sa kaniyang social media sinabi nito na halos isang taon na niyang iniinda ang nasabing injury kaya minabuti niyang magpahinga at magpagaling.
Nauna ng nag-anunsiyo ng hindi pagsali sa US Open si Swiss tennis star Roger Federer dahil sa pagpapaopera ng kaniyang tuhod.