-- Advertisements --
Nagpasya si US Open defending champion Rafael Nadal na hindi sumali sa nabanggit na torneo ngayong taon.
Ito ay dahil sa pangamba sa coronavirus pandemic.
Sinabi nito na mapanganib pa ang kalagayan ng mundo ngayon dahil patuloy na tumataas ang kaso ng coronavirus.
Dagdag ng 34-anyos na Spanish player na mahirap ang nasabing desisyon na hindi makasali sa tornoe na gaganapin sa New York sa darating na Agosto 31.
Nagpahayag naman ng suporta si US Open tournament director Stacey Allaster kung saan sinabi nito na suportado nila ang naging desisyon ni Nadal.