-- Advertisements --

Umatras na sa pagsali sa ATP 500 event sa Dubai si world no. 2 tennis star Rafael Nadal.

Mayroon kasi itong iniindang injury sa kaniyang likod.

Ang nasabing injury ay kaniya ng naranasan sa katatapos na Australian Open ng talunin siya ni Stefanos Tsittsipas sa quarterfinals.

Sa kaniyang Twitter, pinasalamatan nito ang organizer ng Dubai tournament sa pag-imbita sa kaniya subalit nalungkot ito dahil hindi siya makakasali.

Tiniyak nito na kapag tuluyan ng gumaling ang iniindang injury ay agad itong maglalaro.