-- Advertisements --

Nakatungtong na sa quarter-finals ng Australian Open ang Spanish top seed na si Rafael nadal makaraang igupo ang karibal na si Nick Kyrgios.

Mistulang nahirapan sa kamay ng 23rd seed na si Kyrgios ang 33-anyos na si Nadal, na bago ang kanilang face-off ay hindi pa nalaglag sa isang set sa torneyo.

Bagama’t todo ang ipinakita ni Kyrgios, na nagsuot pa ng Kobe Bryant basketball shirt sa warm-up, tinapos naman ito ni Nadal sa loop ng apat na sets, 6-3 3-6 7-6 (8-6) 7-6 (7-4).

Sunod na haharapin ni Nadal si Austrian fifth seed Dominic Thiem sa last eight. (BBC)