-- Advertisements --
Kinumpirma na ng beteranang actress na si Nadia Montenegro na ang ama ng kaniyang 17-anyos na dalagitang anak ay si Baron Geisler.
Sinabi nito na nais niyang matuldukan na ang mga usapin kung saan sa loob ng 17 taon ay ipinakalat na ng actor na may anak sila ng actress.
Kaya hindi niya agad ito inamin ay dahil sa may mga hinaharap itong mga problema na nais unahing resolbahin.
Mula ng lumabas ang usapin ay pinagpipiyestahan pa rin ng marami ang nasabing usapin kaya minabuti niyang magsalita na lamang.
Ang anak nitong si Sophia ay magdiriwang ng kaniyang ika-18 taon kaarawan sa buwan ng Agosto.