Bakas ang kaligayahan ni Nadine Lustre sa bakasyon nito sa labas ng bansa kasama ang bagong boyfriend.
Sa tinatawag na IG Stories, sumabak sa skiing ang 28-year-old actress at kasintahang si Christophe Bariou sa gitna ng winter season sa hindi nabanggit na bansa.
Kamakailan lang nang magkasama ang dalawa sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon para tumulong sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Siargao.
Nabatid na may-ari ng resort si Bariou sa Siargao kung saan nanatili si Lustre ng ilang buwan.
Nitong Enero lang nang kumpirmahin ng sexy actress ang romantic relationship nila ni Bariou matapos isapubliko ang kanilang sweet picture.
Kung maaalala, dating nobyo ni Nadine ang kapwa artista na si James Reid kung saan nananatili silang mabuting magkaibigan kahit naghiwalay noong 2019 at magkatrabaho sa bagong music career.