-- Advertisements --
Umani ng paghanga sa mga fans ni Award-winning actress Nadine Lustre matapos ang kakaibang kampanya niya sa ‘Mother Earth’.
Napili kasi ang actress ng r People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) para sa kampanya ng animal rights.
Sa nasabing social media post ay makikitang isinusulong ng actress ang pagiging veganism sa bansa.
Makikita sa larawan na nagpa-body paint pa ito na sumisimbolo sa pagiging environmental conservative at pagsulong ng animal rights.
Mayroong iba’t-ibang konsepto ang nasabing kampanya na ilalabas sa mga susunod na buwan.
Mula pa noong Agosto 2022 ay naging vegan na ang actress kung saan ito ay kaniyang personal at professional choices.