-- Advertisements --

Pinangunahan ng actress na si Nadine Lustre at ang nobyo nitong negosyanteng si Christophe Bariou ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao.

Makikita sa ibinahaging larawan sa social media ni Bariou na mayroong bitbit na mga relief goods ang actress.

Naglagay din ang 28-anyos na actress ng solar panel dahil sa marami ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Nagmamay-ari ng malaking resort si Bariou sa Siargiao kung saan ilang buwan din nanirahan doon ang actress.

Nanawagan din ang dalawa sa mga nais na tumulong na kung maari ay ipaabot na lamang sa kanilang mga social media account.