-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nilinaw ni Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO-Agusan del Norte branch manager Misael Hamak na hindi lang dito sa lungsod ng Butuan nangyayari na may isang lotto bettor na ilang beses na mananalo sa loob ng iilang buwan sa kanilang mga lotto games.

Ito ang inihayag ng opisyal matapos lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement sa pangunguna ni Senador Raffy Tulfo na isang Butuanon ang 37 beses na nanalo sa 3D lotto o three-digit Swertres Lotto game sa loob lamang ng anim na buwan nitong nakalipas na taon.

Matatandaang isinagawa ang imbestigasyon nang makwestyon ang integridad ng mga lotto games dahil sa minor glitch sa kanilang alas-dos sa hapon na pagbola nitong Pebrero a-27 para sa kanilang 3D o three-digit Swertres Lotto game.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Hamak, nangyari na isang tao lang ang makitang nanalo dahil may mga bettors na nakatira sa malalayong lugar ang hihiling sa lotto agent na sila muna ang premyo na kukunin nila pagka-claim ng kanilang napanalunan na mayroon namang proper documentation.