Nanumpa na bilang bagong Prime Minister ng Israel si Naftali Bennett matapos na magwagi sa confidence vote laban sa pinalitan nitong si Benjamin Netanyahu.
Naging dikitan ang botohan kung saan mayroong 60 na boto ang nakuha ni Bennett laban sa 59 na boto ni Netanyahu.
Nangangahulugan nito ang pagtatapos sa 12 taon pamumuno ni Netanyahu sa Israeil na siyang pinakamatagal sa kasaysayan ng bansa.
Naging leader si Bennett ng Yamina ang right-wing party na mayroong pitong upuan sa parliyamento ng Israel ang Knesset.
Nakapagtala ito ng kasaysayan dahil siya ang unang Arab party na manilbihan sa gobyerno at ang tanging prime minister sa kasaysayan ng bansa na mayroong maliit na grupo.
Noong Marso ay nakakuha ang partido ni Netanyahu na Likud ng 30 seats kung saan hindi nito nakayanan ang governing coalition ng 120 miyembro ng Knesset.
Binanatan ni Netanyahu ang coalition na nagpatalsik sa kaniya kung saan sinabi nitong mahina at delikadong gobyerno.
Tiniyak naman nito na siya ay babalik sa puwesto.
Binalaan din nito ang bagong gobyerno na hindi nito kayang labanan ang Iran.
Magugunitang napatalsik si Netanyahu matapos na magsanib puwersa ang partido ni Bennett at Yesh Atid party na pinamumunuan ni Yair Lapid na may hawak ng 17 upuan sa Knesset.
Si Bennett ay naging defense minister, economy minister, education minister at maraming ibang posisyon sa ilalim ni Netanyahu.