Pinayuhan ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ating mga kababayang huwag patulan ang mga nag-aalok ng passport appointment sa social media.
Kasunod na rin ito ng mga lumabas na balitang mayroong mga kababayan natin ang nabiktima sa naturang modus.
Sinabi ni Office of Consular Affaris Asec. Senen Mangalile, iniimbestigahan na nila ang mga ulat na may gumagamit ng social media sa pag-aalok ng passport appointment slot.
Dahil dito, hinimok ni Mangalile na sa website na lamang ng DFA magpa-apppoint at kumuha ng slots.
Hindi pa raw kasi puwede ang walk-in application at kailangan dumaan muna lahat sa appoinment portal.
Samantala, dahil na rin sa dami nang nagpapa-aapoint, ang appointment slots ng DFA ay madadagdagan na sa susunod na linggo.
Ang target daw nila pagdating ng buwan ng Abril ay maibalik nila sa pre-pandemic na 13,000 kada araw ang appointment at baka umabot daw ito sa ngayon sa 20,000 per day.