BUTUAN CITY – Pursigidong magsasampa ng kaso ang pamilyang Sajulan laban sa cadre na nakabaril-patay sa nag-amok na sibilyan kaninang ala-1:30 ngmadaling araw sa Barangay Jaguimitan, Nasipit, Agusan Del Norte.
Nakilala ang biktimang si Gary Sajulan, 42-anyos, residente sa Purok-1, ng naturang barangay habang ang nakabaril sa kanya ay si Sgt. Jufil Ateg, detachment commander ng Jaguimitan Patrol Base na sakop ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army.
Ayon kay Melanie Sajulan Lauro, kapatid ng biktima, nais niyang ma-abot ang hustisya para sa kanyang igsoon kapatid ddahil sobra ra umano
ang pagbaril dito sa kabila na maaari lamang umano itong i-pin down.
Naniniwala siyang overkill ang nangyari dahil sa 5 mga tama ng balana natamo ng biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Samantala inihayag naman ni Sgt. Ateg na posibleng marami pa ang mamadamay kung hindi niyaito binaril lalo na’t na-agaw nito ang armas ni CAFGU member Riel Llido kungsaan natamaan pa ito sa likod sa dala-dalang itak ni Sajulga.