(Update) DAVAO CITY – Namatay na rin ang isang pastor na nakapatay sa tatlong katao matapos umanong mang-agaw ng baril ng pulis na magdadala sana sa kanya sa ospital pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.
Inihayag ni Police Corporal Eric Camus, duty investigator ng Jose Abad Santos Police Station sa Davao Occidental, na nagreklamo si Postor Roger Lakina ng pananakit ng tiyan kaya dinala nila ito sa ospital.
Ilang metro lamang ang layo mula sa police station, iihi naman daw si Postor kaya huminto ang police car at tinaggalan ng posas pero bigla na lamang umanong nang-agaw ng baril
Dito na napilitan ang mga kasamahang pulis na barilin ang pastor na dahilan ng kanyang kamatayan matapos magtamo ng sugat sa ulo .
Una nang inaresto si Pastor Lakina matapos pinagtataga hanggang mamatay ang kanyang anak-anakan na tatlong buwang buntis na si Marimar Muntad, 16-anyos; bayaw nito na si Jemar Muntad, 5, at kapitbahay na si Uliseo Uso, mga residente ng Sitio Pakpakan, Purok Narra, Barangay Marabago, Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Sinasabing nag-amok si Lakina dahil hindi sila nagkaintihan ni Marmar patungkol sa dote na hinihingi nito sa pamilya ng lalaki na nakabuntis sa kanyang anak-anakan na si Jomar Muntad na wala raw sa kanilang bahay nang maganap ang krimen.