-- Advertisements --

BACOLOD CITY — Patay ang nag-amok na 66 anyos na lalaki na may nervous breakdown sa Villa Victorias, Barangay 13, Victorias City matapos na pagtatagain nito ang rumispondeng pulis at nagantihan ito ng baril, alas-11:15 kahapon ng umaga.

Ayun kay Police Master Sgt. Valentine Sardeña, Officer in Charge sa Villa Victorias sub station ng Victorias City Police Station, na nakapatay sa biktima, dumadalo ito ng hearing ng limang mga detainee ng mabalitaan ang patungkol sa pag-aamok ng isang lalaki.

Agad naman nitong pinatunguhan ang lugar at itinuro naman sa kanya ang lalaki na maraming dugo at mayhawak na bolo at inaambahan ng itak ang mga rescuers, kaya agad nya itong nilapitan.

Ayon kay Sardeña, kilala nito ang biktima kaya tinanong pa nito kung ano ang problema para mapag-usapan.

Ang nag-amok na lalaki ang kinilala kay Hernani Pimentel, 66 anyos at residente sa nasabing lugar.

Ito ay may laslas na sa leeg noong dumating ang pulis na pinaniniwalaang sarili din nitong gawa dahil sa mayroon itong nervous breakdown.

Matapos tanungin, binalingan ito ng tingin ni Pimentel at hinamon na barilin siya at patayin.

Ayun kay Sardeña, nakita nito sa mata ng lalaki na parang wala na ito sa tamang pag-iisip.

Hindi naman nito pinatulan ang hamon na pagbaril dahil ang nais lang ng pulis ay makuha ang itak.

Nang pababa naman ito sa motor habang pinipilit si Pimentel na ibaba ang armas, bigla naman siya nitong inambahan ng itak.

Para ma neutralize ang biktima, binaril ito ni Sardeña sa paa, ngunit tuloy-tuloy padin ang pag-atake nito hanggang sa napahinto at umupo.

Tinangka naman itong lapitan ng pulis sa pagnanais na makuha ang itak ngunit mas lalo pa itong naging agresibo at pinagtataga si Sardeña

Patuloy naman sa pag-ilag ang pulis hanggang sa napatid ito sa kanyang sintas.

Agad namang nagmadali sa pagsugod ang biktima para tagain si Sardeña ng bumagsak ito kaya binaril na nito ang si Pimentel.

Hindi naman nahinto si Pimentel at tuloy padin sa pag-itak sa pulis kaya pagulong-gulong nalang si Sardeña habang bumabaril.

Ayun sa pulis, gusto lang nito na maneutralize si Pimentel ngunit nasa peligro na ang kanyang buhay kaya napilitan ito na barilin ang biktima.

Tinamaan naman ang holster ng armas ng pulis sa ginawang mga pagsugod ng biktima.

Ipinagpapasalamat naman ng pulis na tumulong ang mga residente sa likod at inagaw ang itak mula kay Pimentel.

Habang ayun naman kay Police Lt. Eduardo Corpuz, hepe ng Victorias City Police Station, agad naman nitong dinis-armahan ang opisyal at nasakustudiya na ng police station.

Ibinahagi din nito na mismong ang asawa ni Pimentel ang nagpahayag na ginawa lang ng pulis ang tama.

Napag-alaman na may maintenance na gamot ang biktima sa kanyang sakit, ngunit hindi ito naka-imon kahapon.