CAGAYAN DE ORO CITY – Tinukoy ng Police Regional Office 10 na ang nag-absent without official leave (AWOL) nila na pulis ang isa sa mga pumaslang sa station commander ng Cogon Police Station 2 ng Cagayan de Oro City Police Office noong petsa 5 ng Oktobre 2024.
Ito ang hawak na impormasyon ni PRO 10 regional director Brig Gen Jaysen De Guzman mula kay COCPO City Police Director Col. Salvador Radam kaya magkasabay sila na humarap upang tukuyin na si Police Staff Sargeant Armand Tagolimot ang isa sa mga sangkot pagbaril-patay kay Cogon Police Station commander Capt Abdulcahar Armama sa barukan ng kanilang Bahay sa Barangay Bulua nitong syudad noong taong 2024.
Sinabi ni De Guzman na medyo natagalan ang pagkatunton kay Tagolimot dahil sinusunod ng mga imbestigador ang ‘case build up’ requirement para malakas at matibay ang kaso pagdating sa korte.
Si Armama ay binaril nang nakatalikod kaya hindi ito nakagante man lang laban sa mga nagpaslang sa kanya.
Magugunitang nahuli si Tagolimot hindi dahil sinapit ni Armama subalit sa pending criminal case nito sa paglabag ng Republic Act 9165 dahil sa akusasyon na sangkot ito sa malawakang bintahan ng illegal na droga sa Misamis Oriental.
Subalit lahat ng mga alegasyon laban kay Tagolimot ay kanyang itinanggi nang masakote ito sa bahay na pinagtaguan nito sa Brgy Iponan ng syudad noong nakaraang lingo.