-- Advertisements --

NAGA CITY – Tuluyan nang nasampahan ng kasong robbery extortion ang AWOL-PNP personnel sa lungsod ng Naga na una nang nasangkot sa nangingikil ng malaking halaga sa isang babae.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Col. Felix Servita, city director ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong bagama’t nagpapatuloy pa ang manhunt operation laban sa suspek na si Rodel Antonio ngunit naisampa na aniya ng mga otoridad ang kaso laban dito.

Ayon kay Servita, sa ngayon inaalam pa nila kung sino pa ang mga kasamahan ni Antonio sa naturang iligal na aktibidad.

Sa kabila nito, labis naman ang panghihinayang ni Servita sa naturang nag-AWOL na pulis habang tiniya nito na hindi nila kinukusinti ang mga alagad ng batas na pumasok sa mga iligal na gawain.

Bago ito, nadakip sa entrapment operation ng mga otoridad si Antonio matapos i-hold at kikilan ng malaking halaga ng pera ang babaeng biktima nito.

Ngunit nalusutan nito ang mga otoridad at ang pinaniniwalaang kasamahan lamang nito ang nahuli.