Cebu City – Pupulongin ng Cebu Provincial government ang lahat ng mga oxygen suppliers sa Probinsiya ng Cebu para sigurohin ang sapat ang supply ng oxygen para sa lahat ng mga pagamutan.
Aalamin ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kung kinakapos na ba sa suplay ng oxygen ang probinsiya lalong-lalo na at nag-papanic buying na ng stock ng oxygen ang mga tao sa pangambang baka magka-ubusan na ng supply nito dahil sa paglubo ng covid cases sa probinsiya dala ng banta ng covid19 delta variants.
Uunahin rin ng gobernadora ang pag-supply ng oxygen sa mga pagamutan at a-atasan ang mga administrator nito na mag-ambak ng sapat na suppy ng oxygen sa kanilang nasasakupang pagamutan.
Sa ngayon, binigyang linaw ni Garcia na stable pa naman ang supply ng oxygen sa probinsiya at hindi dapat kinakailangan na magpanic ang publiko.
Dagdag pa ng opisyal na walang problema sa kanya kung may mga indibidwal na nag-iimbak ng pang personal na kunsumo na oxygen dahil nakakatulong naman ito para decongest ang puno ng mga pagamutan.
“I understand that there are reports of panic-buying of Oxygen tanks, but there are two sides of the story. May magsasabi na nagkaka-ubusan na dahil yung taong maykaya lang ang makakabibili ng isang oxygen tank,” ayun pa ni Garcia. Dagdag pa opisyal, “That’s why, I am meeting with all of our oxygen supplier, so to see to it, that we have enough supply.”
Sa napag-alaman ng Bombo radyo Cebu dinagsa na ngayon ng mga tao ang mga tindahan ng oxygen dito sa lunsod dahil na rin sa mga naglabasang mga larawan sa social media kung saan mahaba ang pila ng mga ambulansiya at pribadong sasakyan na may sakay na pasyente sa labas ng ospital at binibigyan nalang ito ng oxygen lalong lalo na sa mga pasyenting nahihirapan sa paghinga at dipa makapasok sa pagamutan.