Ibinahagi ng nag-iisang Cebuanong nakapasok sa Top 10 ng 2024 librariansComputer-Based Licensure Examination na malaking tulong ang kanyang pag-iwas sa online games at social media para makamit ang tagumpay.
Si Jonathan Medrano Ricardo na nagtapos sa University of San Jose-Recoletos ay nag Rank 3 matapos nakuha nito ang 88.95% rating.
Ayon pa kay Ricardo, nagdadalawang isip umano siya sa kanyang kakayahan gayunpaman, patuloy pa rin ito sa kanyang layunin na makapasa at makuha ang pwesto ng nasabing exam.
Dagdag pa nito na ang susi sa tagumpay ay ang kanyang mga sakripisyo na ginagawa at ang pag-iwas sa mga nakagawian niyang bagay o aktibidad na maaaring makaabala sa kanyang pag review.
Samantala, inihayag naman ng Dean of School of Arts and Sciences na si Dr. Maryjun Delgado, na ang naturang unibersidad ay nakapagtala ng 100% passing rate para sa mga first time takers at 71.43% naman para sa overall passing rate kumpara sa standard na 48.77% ng national passing percentage.
Sinabi pa ni Dr. Delgado na ang tagumpay na ito ay isang repleksyon ng pangako ng unibersidad sa paggawa ng dekalidad at mas mataas na antas ng edukasyon tungo sa kahusayan ng napiling propesyon.