-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang kopya ng Acta de la Proclamacion De Independencia Del Pueblo Filipino o Declaration of the Philippine Independence.

Ang nasabing declaration ay sinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista habang ang kopya ay ginawa ni Jose Banuelo, isa sa mga sundalo ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Ito lamang ang natatanging kopya kung saan ang orihinal ay nasa National Library.

Isasagawa ang auction sa Leon Gallery kungsaan magsisimula ang presyo nito sa P1.6 milyon.

Kasama rin na ibebenta sa auction ang gawa ni Cesar Legazpi at Juan Luna na naipinta noong ginawa ang Spolarium.

Isa rin na ibebenta ay ang “Under The Mango Tree” na gawa ni Ferdinand Amorsolo sa halagang P18-M.

Isasagawa ang nasabing auction sa Leon Gallery sa lungsod ng Makati sa darating na Setyembre 14.