-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nagpapatuloy pa ang manhunt operation ng mga tauhan ng Butuan City Police Station-5 laban sa nag-iisa nilang presong nakatakas mula sa selda kaninang umaga.
Nakilala ang pugante na si Jay-ar Mendoza, 28, may asawa, residente ng Brgy. Nongning sa Butuan at nahaharap sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.
Napag-alamang sinira ni Mendoza ang isa sa nga rehas ng pintuaan ng kanyang selda at mabilis na tumakas nang walang nakabantay sa kanya.
Matatandaang nahuli si Mendoza sa isinagawang drug buy bust operation sa kapiyestahan ng kanilang barangay.