-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naglagay na ng Isolation tent ang Dr George P. Royeca hospital ang nag-iisang pampublikong pagamutan dito sa lungsod para sa pasyente na pinagdudahang may coronavirus.

Ito ang sinabi ni Glenville Gonzales, hospital administrator na ang nasabing tent ang bigay sa kanila ng Department of Social Welfare and Development Office na ipinatayo sa harapan ng hospital.

Mahalaga umano ang nasabing tent dahil ito ilagay ang magpositibu sa coronavirus habang naglaan ng isang silid sa loob ng hospital para gamitin na isolation room ng mga Person Under Investigation at mga Patient under monitoring .

Una ng sinabi ni Dr Laline Calonzo, head ng Epedimiolgy and Surveilance unit na may dalawang PUI ang lungsod habang ang isa ang nakalabas na ng hospital habang ang naiwang isa ang inaalam kung ikunsidera itong PUM dahil sumailalim na ito ng 14 days na self qauratine.

Hinihintay naman ang pagpalabas ng Executive order ng LGU Gensan para sa guidelines ng coronavirus.