Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda silang magbigay ng ayuda sa Original Pilipino Music (OPM) music legend na si Jim Paredes.
Ito’y sa gitna ng kinakaharap na kontrobersya ng former APO Hiking Society member dahil sa pagkalat ng kanyang halos dalawang minutong video scandal.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, sa ngayon ay wala pa silang report na humingi ng tulong sa kanila si Paredes para matukoy kung sino ang nasa likod sa pagkalat ng naturang video kung saan makikitang nilalaro nito ang kaniyang ari habang may ka-chat.
Pero giit nito na willing ang PNP na mag-imbestiga dahil paglabag ito sa Cybercrime Law.
Maging si PNP Chief Oscar Albayalde ay nakahanda raw mag-assist sa 67-year-old veteran singer kung maghahain siya ng pormal na reklamo sa PNP Anti-Cyber Crime Group.