Inaresto ng mga otoridad sa bansang Greece ang dalawang human rights activists na nagpoprotesta sa nalalapit na Beijing 2022 Winter Olympics na gaganapin sa buwan ng Pebrero.
Ang mga raliyesta ay nananawagan pa rin ng boykot sa Winter Olympics dahil daw sa maraming mga paglabag ng China sa mga karapatang pantao.
Ang protesta ng mga aktibista ay isinagawa sa Acropolis ang Greek capital ilang oras bagao ganapin ang torch-lighting ceremony.
Naging tradisyon na kasi na sinisimulan ang torch relay sa Olympia na siyang orihinal na sentro ng ancient Olympics.
Ang Olympic flame ay na-turnover sa delegasyon ng China.
Mula sa bansang Greece ililibot ang torch hanggang sa makarating sa Beijing, Olympics sa susunod na taon.
Samantala, ang International Olympic Committee ay kumpiyansang magiging maayos ang hosting ng China sa Winter Olympic dahil bilib dahil sila sa diskarte nito pagdating sa COVID-19 response.